Tuesday, June 9, 2009

Otso otso pa!

Walo

sumisimbolo ng pagpapatuloy.
Tama naman dahil parang siklo ang guhit ng otso.
Tulad din ng rehimen ni Arroyo!
Parang siklo na ang kanyang paulit ulit na paglalapastangan sa mamamayang Pilipino.

Mag wawalong taon ng nakaupo.
Mag wawalong taon na ring walang pakundangan at habas pinapatay ang mga progresibong manunulat at aktibista.
Walong taong pagpapakaamo sa kanyang amo,ang US.
Walong taong pangangamkam ng mga ari-arian kasabay ng pambibiktima ng mga magsasaka.
Walong taon ding PINAIKOT IKOT at PINAGMUKHANG "IDIOT BOBO FILIPINO" ang mga PINOY. Pinaikot sa mga isyung kanya at kanilang kinasangkutan.

Kung may honorable dismissal ang mga bumabagsak sa iskwelahan, sa iskwelahan ng mamamayan siyay bagsak na bagsak na.
Hindi na pupwede pang pumasok at kailangan ng makick-out.




No to CON-ASS
No to Glorias extension

CONtrahin ang ASSwang na sinusulong ng mga tuta ni GMA!

Sunday, May 31, 2009

unHAYDEN controversy

Mabenta na naman ang mga pirata sa Quiapo dahil sa mga naglabasan na eskandalosong scandal ng direktor este doktor na si hayden. Kinasangkap pa nya si Katrina Halili at Maricar Reyes na talaga namang jinakson ni Direk.

Kakaiba naman talaga ang pag-iisip ni dok. Sabihin ba namang pang diary lang nya yun. Kung sabagay may punto, may punto kasi baliw na talaga sya.

Sa mga ginawa nyang bida na kasama nya sa kanyang pelikula eh talaga namang mapapaoo nalang eh. Sa gandang lalaki ba naman nya eh. Kaya ika nga ni Katrina "ibinigay ko ang buong puso kaluluwa ko(kaya nakunan ako ng video)"

Naku direk este dok hayden, maistereotyped na naman tayong mga lalaki sa pinaggagawa mo eh.
Pinapamukha na naman satin ng lipunan na manloloko ang mga lalaki at jakson lang ang habol. Kawawa na naman kame, marami na namang maggegeneralize na parepareho kame. Hays!

Balikan natin ang mga pangyayari sa "unHAYDEN Scandal".

Nakarating agad sa senado ang imbestigasyon(aba dinaig pa ang resolution na dadaan pa sa plenaryo dapat). Buti pa ang iskandal mabilis nadidinig eh ang mga kaso sa RTC ang bagal umusad. Hindi kaya, kaya lang binusising mabuti ang iskandal na ito eh dahil nais pagtakpan muna ang "Double insertion sa C5".
Kung matatandaan natin na si Sen.Madrigal ang pangunahing kritiko dito. So kung busy sya kakaasikaso dito eh aabutin na sila ng recess. Eh di mabibinbin na naman.
At tulad ng kasaysayan, hindi na naman ito matutuldukan.
Kawawa na naman kaming mga lalaki api na naman este kawawa na naman ang taumbayan na dinadala nalang sa agos ng katiwalian ng lipunan.

Sunday, May 17, 2009

Bastardo na pasaway pa!

Katatapos ko lang manuod ng BestFriends Forever o BFF.Nakakatuwa sina Ai ai at ang bonggang bongang bagong PATAWista, si Sharon. Swak ang tambalan nila.Talagang napahalakhak ako tulad ng mga banat sa "Tanging ina nyong lahat".

Magkaibigang pinagsama o sadya ring pinagtagpo ng pagkakataon sa istorya. Nakakatawa at iisa rin ang kanilang minahal. Haha! Saksakin ba naman sa baga at bilbil si sharon at palubugin ang baba sa dibdib si ai ai eh.
Pareho raw silang nabiktima ng lalaki( si john e.).

Masyadong naging riyalista ang pananaw sa pelikula.

Paano ko nasabi?

Una, talaga naman kasing nangyayari ang mga bagay sa totoong buhay.
Pinalabas na talaga ring "BABAERO" ang lalaki.

Ngayon pumapasok ang pangalawa. Masyadong seksista ang pananaw at feminista masyado.

Siguro nga masyado ng TALAMAK ang IDEYAng manloloko talaga ang mga lalake. Ngunit isang elemento ito ng pagdedeskrimina sa amin. Patuloy na nga bang ganoon at magiistick to the point na lang tayo dun?

Halimbawa na lamang at patunay na totoo yan. Halimbawa na naging mag-on si Gf at Bf. Tapos nagkalabuan na dahil sa mga di mapaliwanag na bagay bagay. Tapos cool off kung minsan pa nga break na.Eh di galit to the max na si GF tapos di na nya papansinin si Bf. Tapos sa sobrang lala ng kalagayan nya, igegeneralize na nya ngayon na "Ang mga lalaki parepareho, kala ko iba na siya, magkakaparehas pala sila". Tapos eh di sira na reputasyon ni BF kung minsan sasabihin pa ng mga babae naintindihan naman kita eh (pero san ka maktol inside yan. . Haha).

Kung naiintindihan nyo talaga kaming mga lalaki may tinatawag tayong pagUUN-A-WA.

Una ang awa.

Di rin naman kasi kaila na ang lalaki kung minsan ay mahina pagdating sa tukso. Totoo naman talaga yun at mapahanggang ngayon pasensya pa rin ang solusyon lalo na sa mga matagal ng nagsasama.

UN-A-WA!

Saturday, May 16, 2009

Kalbaryo?

Patapos na ang kainitan ng summer, patapos na rin ang bakasyon.
Kinasangkapan ng Pagsasaya, pagninilaynilay(nung semana santa lang ah!),mahaba-habang mga gawain at pagtatampisaw sa initan.

Yan ang summer.Nakakalungkot nga lang back to NORMAL na ulet. Hindi ako totally nawala sa Normal, araw araw nga halos akong nandoon eh.

Ang bilis ng panahon.. Parang kelan lang batang pobre akong humamak sa normal. Ngayon nakalagay na sa reg card ko ay old student na ko.
Ang dating new student na ligalig kumilala ng mga kaibigan ngayon ay isa na rin sa mga kakaibiganin ng mga bago.
Hindi naman ako masyado nahirapan na magadjust sa mga bago kong kaibigan ngunit ang pagkakaroon ng tamang oras ay talagang mahirap.
Namimis ko ng pumasok kasi gusto ko makasalaMUKHA ang mga dati at mga bago na ring magaaral sa aking Pamantasan.

At Ngayong bonafide student na ulit ako(dahil tapos na kong mag-enrol kaya ganun) babalik na ulit ang total power and rights ko sa pagiging estudyante.


Lingid sa kaalaman namen dati na may mga karapatan pala kami na HINDI MAN LANG MASABI NG MALINAW SA PESTENG HANDBOOK na yan.

Imbes na linawin samen eh parang mas nilimitahan pa kame.

Hays ang lalang kalbaryo nito!

malakas(hindi literal ah), at malawak talaga ang karapatan ng estudyante sa isang STATE UNIVERSITY. Napagkaitan ng kalayaan at hinayag ang prebiliheyo ng estudyante. Kinulang ng tunay na oryentasyon at napagsamantalahan.

Napanghinaan na nga kame sa time adjustment, pinagsamantalahan pa kame at pinagkaitan ng sapat na dunong na kakailanganin.

Pesteng yawa naman yan oh!

Tsk3!

Saturday, May 9, 2009

Isipang hati

Isa sa mga physical sci na prof sa PNU ang nagquote at tiyak na pinanghugutan ko nito. Sabi niya na, nahahati ang katawan natin sa dalawang bahagi kapag hinati.. Ang mga kamay (kanan at kaliwa), paa, mata, at tenga ang halimbawa.Bawat hemisphere may papupuntahan. Isa lang daw ang hindi puwede hatiin at yun ang




"puso". Kaya dapat sa isang tao lang daw ibinibigay ang puso ng tao.


Di ba panalo banat ni sir!


Magandang metapora ang kanyang ipinabatid. Una may talinhaga kaming natutuhan at may aral na kinakitaan.

Ngunit kasabay din nun ang pagusbong ng paksa na kung puso nga ba ang nagmamahal?

Ang puso ay isa lamang sa mga kinasangkapan ng ating utak upang magmahal. Ibig sabihin utak at hindi puso ang nagmamahal.

Subhektibong pananaw ang pagkilala sa puso na ito ang nagmamahal. Una, dahil ang wala pang nakapagpapatunay na ito ang umiibig. Pangalawa ang puso ay hindi nakapagiisip ng kanyang mamahalin. At panghuli ang gawain lamang ng puso ay ang magbomba ng magbomba ng dugo patungo sa ibat ibang bahagi ng ating katawan.


Nakapagpalabas na ang siyensya ng malinaw na basehan na ang ating utak ang salarin kung bakit tayo umiibig.
Pinagtibay ito ng ebidensyang kahit ilipat ang puso ng isang tao at palitan ng panibagong puso ay patuloy pa rin nitong minamahal ang kanyang iniirog.

Parang "Trichotomy property" (sa geometry), para mapatunay mo na tama ang iyong pinuprove dapat mapatunayan mo muna na mali ang iba mo pang choices.

Since we had already proven that heart cant love by our basis and through scientific analysis, therefore we conclude that Mind is the primary suspect in why were still loving and loving.


Kaya mas nanaisin ko pang sabihing "Taos sa isip ang isang bagay" kasi baka kung taos sa puso eh baka hindi magtanda at baka wala ring patutunguhan.

Thursday, May 7, 2009

Dahong bilang

Pananing inani sa dilig ng panahon
inugat muli ng mga pangnagdaan.

Kalendaryong may tintang itim, marka ng kahapong iginuhit. Ngayoy muling inaalala dahil may tamis pait na nadarama.

Mga dahong kumatawan sa puno na dati ratiy wala pang itim na tinta. Sinimbolo ng mga panahong nilipas at muling naalala sa tintang nag-iwan ng bakas.

Dahong para ring pahinang binasa. Nagtanda. Nagpapaalala na ang nakaraang pahinay nakalipas na tutungo na sa panibagong dahong imumulat. Hindi mapagwawari na ang ilan pang pahinay inuunti unti pa. Punong titintahan pa ng itim hanggang tumubo ang panibagong puno na mamarkahan muli ang mga dahong malalagas. Dahon na susubukin ng panahon at susuong sa pag-ihip ng ngayon.

Mga dahong parang datiy minamarkahan ng tintang itim unti unting inaantay ngayoy papaubos na at muling susubukin ang panibagong punong lalagaslasan na unti unti at muling magmamarka patungo sa panibagong punong lalagaslasan ng itim na marka.

Monday, May 4, 2009

Isang suntok ng "BAYANI?"

Balitang balita na within two(2) rounds, Hatton bilasa. Ang saya saya di ba lalo pang nakikilala si Pacquiao.

Ikinasa ang isang heroes welcome sa kanya. Di ba talagang sikat na sikat na sya. Mula sa pagiging panadero noon patungo sa isang pagiging BAYANI? ngayon.

Hindi naman sa tutol ako sa pagiging sikat ni pacquiao. Mas lalong hinding hindi rin ako bitter sa kanya. Ang sa akin lang ay napakalaking kwestyon ang pagbibigay titulo sa kanya ng pagiging bayani.

Katanungan na "ano na ba ang narating ng bilis at lakas ng kamao nya para sa ating kalayaan". Nakikilala nga ang Pilipinas pero nananatiling api parin ito sa mata ng dayuhan.

"You know?"


Hindi kailanman makakamit ng mabibilis na suntok at maliksing pagkilos ni pakman kung mismong sya ay kabahagi ng arf arf admin sa pagsasamantala sa masang naaapi.

Hindi suntok ang makakapagpalaya sa atin ng isang you know lang nya.

Malinaw na paglalapastangan ito sa BAYANING TITULO at nararapat lamang,
Ibalik ang tunay na esensya ng pagiging bayani.