Thursday, May 7, 2009

Dahong bilang

Pananing inani sa dilig ng panahon
inugat muli ng mga pangnagdaan.

Kalendaryong may tintang itim, marka ng kahapong iginuhit. Ngayoy muling inaalala dahil may tamis pait na nadarama.

Mga dahong kumatawan sa puno na dati ratiy wala pang itim na tinta. Sinimbolo ng mga panahong nilipas at muling naalala sa tintang nag-iwan ng bakas.

Dahong para ring pahinang binasa. Nagtanda. Nagpapaalala na ang nakaraang pahinay nakalipas na tutungo na sa panibagong dahong imumulat. Hindi mapagwawari na ang ilan pang pahinay inuunti unti pa. Punong titintahan pa ng itim hanggang tumubo ang panibagong puno na mamarkahan muli ang mga dahong malalagas. Dahon na susubukin ng panahon at susuong sa pag-ihip ng ngayon.

Mga dahong parang datiy minamarkahan ng tintang itim unti unting inaantay ngayoy papaubos na at muling susubukin ang panibagong punong lalagaslasan na unti unti at muling magmamarka patungo sa panibagong punong lalagaslasan ng itim na marka.

2 comments:

  1. nanangis ang aking isipan sa tula mong hindi ko maintindihan.
    marahil sa hindi ko lang talaga maunawan
    o di kaya'y sadyang malalim ang nilalaman
    gayunpaman isang mahusay na obra
    papasa na sa panlasa ng madla.

    ReplyDelete