Tuesday, June 9, 2009

Otso otso pa!

Walo

sumisimbolo ng pagpapatuloy.
Tama naman dahil parang siklo ang guhit ng otso.
Tulad din ng rehimen ni Arroyo!
Parang siklo na ang kanyang paulit ulit na paglalapastangan sa mamamayang Pilipino.

Mag wawalong taon ng nakaupo.
Mag wawalong taon na ring walang pakundangan at habas pinapatay ang mga progresibong manunulat at aktibista.
Walong taong pagpapakaamo sa kanyang amo,ang US.
Walong taong pangangamkam ng mga ari-arian kasabay ng pambibiktima ng mga magsasaka.
Walong taon ding PINAIKOT IKOT at PINAGMUKHANG "IDIOT BOBO FILIPINO" ang mga PINOY. Pinaikot sa mga isyung kanya at kanilang kinasangkutan.

Kung may honorable dismissal ang mga bumabagsak sa iskwelahan, sa iskwelahan ng mamamayan siyay bagsak na bagsak na.
Hindi na pupwede pang pumasok at kailangan ng makick-out.




No to CON-ASS
No to Glorias extension

CONtrahin ang ASSwang na sinusulong ng mga tuta ni GMA!

Sunday, May 31, 2009

unHAYDEN controversy

Mabenta na naman ang mga pirata sa Quiapo dahil sa mga naglabasan na eskandalosong scandal ng direktor este doktor na si hayden. Kinasangkap pa nya si Katrina Halili at Maricar Reyes na talaga namang jinakson ni Direk.

Kakaiba naman talaga ang pag-iisip ni dok. Sabihin ba namang pang diary lang nya yun. Kung sabagay may punto, may punto kasi baliw na talaga sya.

Sa mga ginawa nyang bida na kasama nya sa kanyang pelikula eh talaga namang mapapaoo nalang eh. Sa gandang lalaki ba naman nya eh. Kaya ika nga ni Katrina "ibinigay ko ang buong puso kaluluwa ko(kaya nakunan ako ng video)"

Naku direk este dok hayden, maistereotyped na naman tayong mga lalaki sa pinaggagawa mo eh.
Pinapamukha na naman satin ng lipunan na manloloko ang mga lalaki at jakson lang ang habol. Kawawa na naman kame, marami na namang maggegeneralize na parepareho kame. Hays!

Balikan natin ang mga pangyayari sa "unHAYDEN Scandal".

Nakarating agad sa senado ang imbestigasyon(aba dinaig pa ang resolution na dadaan pa sa plenaryo dapat). Buti pa ang iskandal mabilis nadidinig eh ang mga kaso sa RTC ang bagal umusad. Hindi kaya, kaya lang binusising mabuti ang iskandal na ito eh dahil nais pagtakpan muna ang "Double insertion sa C5".
Kung matatandaan natin na si Sen.Madrigal ang pangunahing kritiko dito. So kung busy sya kakaasikaso dito eh aabutin na sila ng recess. Eh di mabibinbin na naman.
At tulad ng kasaysayan, hindi na naman ito matutuldukan.
Kawawa na naman kaming mga lalaki api na naman este kawawa na naman ang taumbayan na dinadala nalang sa agos ng katiwalian ng lipunan.

Sunday, May 17, 2009

Bastardo na pasaway pa!

Katatapos ko lang manuod ng BestFriends Forever o BFF.Nakakatuwa sina Ai ai at ang bonggang bongang bagong PATAWista, si Sharon. Swak ang tambalan nila.Talagang napahalakhak ako tulad ng mga banat sa "Tanging ina nyong lahat".

Magkaibigang pinagsama o sadya ring pinagtagpo ng pagkakataon sa istorya. Nakakatawa at iisa rin ang kanilang minahal. Haha! Saksakin ba naman sa baga at bilbil si sharon at palubugin ang baba sa dibdib si ai ai eh.
Pareho raw silang nabiktima ng lalaki( si john e.).

Masyadong naging riyalista ang pananaw sa pelikula.

Paano ko nasabi?

Una, talaga naman kasing nangyayari ang mga bagay sa totoong buhay.
Pinalabas na talaga ring "BABAERO" ang lalaki.

Ngayon pumapasok ang pangalawa. Masyadong seksista ang pananaw at feminista masyado.

Siguro nga masyado ng TALAMAK ang IDEYAng manloloko talaga ang mga lalake. Ngunit isang elemento ito ng pagdedeskrimina sa amin. Patuloy na nga bang ganoon at magiistick to the point na lang tayo dun?

Halimbawa na lamang at patunay na totoo yan. Halimbawa na naging mag-on si Gf at Bf. Tapos nagkalabuan na dahil sa mga di mapaliwanag na bagay bagay. Tapos cool off kung minsan pa nga break na.Eh di galit to the max na si GF tapos di na nya papansinin si Bf. Tapos sa sobrang lala ng kalagayan nya, igegeneralize na nya ngayon na "Ang mga lalaki parepareho, kala ko iba na siya, magkakaparehas pala sila". Tapos eh di sira na reputasyon ni BF kung minsan sasabihin pa ng mga babae naintindihan naman kita eh (pero san ka maktol inside yan. . Haha).

Kung naiintindihan nyo talaga kaming mga lalaki may tinatawag tayong pagUUN-A-WA.

Una ang awa.

Di rin naman kasi kaila na ang lalaki kung minsan ay mahina pagdating sa tukso. Totoo naman talaga yun at mapahanggang ngayon pasensya pa rin ang solusyon lalo na sa mga matagal ng nagsasama.

UN-A-WA!

Saturday, May 16, 2009

Kalbaryo?

Patapos na ang kainitan ng summer, patapos na rin ang bakasyon.
Kinasangkapan ng Pagsasaya, pagninilaynilay(nung semana santa lang ah!),mahaba-habang mga gawain at pagtatampisaw sa initan.

Yan ang summer.Nakakalungkot nga lang back to NORMAL na ulet. Hindi ako totally nawala sa Normal, araw araw nga halos akong nandoon eh.

Ang bilis ng panahon.. Parang kelan lang batang pobre akong humamak sa normal. Ngayon nakalagay na sa reg card ko ay old student na ko.
Ang dating new student na ligalig kumilala ng mga kaibigan ngayon ay isa na rin sa mga kakaibiganin ng mga bago.
Hindi naman ako masyado nahirapan na magadjust sa mga bago kong kaibigan ngunit ang pagkakaroon ng tamang oras ay talagang mahirap.
Namimis ko ng pumasok kasi gusto ko makasalaMUKHA ang mga dati at mga bago na ring magaaral sa aking Pamantasan.

At Ngayong bonafide student na ulit ako(dahil tapos na kong mag-enrol kaya ganun) babalik na ulit ang total power and rights ko sa pagiging estudyante.


Lingid sa kaalaman namen dati na may mga karapatan pala kami na HINDI MAN LANG MASABI NG MALINAW SA PESTENG HANDBOOK na yan.

Imbes na linawin samen eh parang mas nilimitahan pa kame.

Hays ang lalang kalbaryo nito!

malakas(hindi literal ah), at malawak talaga ang karapatan ng estudyante sa isang STATE UNIVERSITY. Napagkaitan ng kalayaan at hinayag ang prebiliheyo ng estudyante. Kinulang ng tunay na oryentasyon at napagsamantalahan.

Napanghinaan na nga kame sa time adjustment, pinagsamantalahan pa kame at pinagkaitan ng sapat na dunong na kakailanganin.

Pesteng yawa naman yan oh!

Tsk3!

Saturday, May 9, 2009

Isipang hati

Isa sa mga physical sci na prof sa PNU ang nagquote at tiyak na pinanghugutan ko nito. Sabi niya na, nahahati ang katawan natin sa dalawang bahagi kapag hinati.. Ang mga kamay (kanan at kaliwa), paa, mata, at tenga ang halimbawa.Bawat hemisphere may papupuntahan. Isa lang daw ang hindi puwede hatiin at yun ang




"puso". Kaya dapat sa isang tao lang daw ibinibigay ang puso ng tao.


Di ba panalo banat ni sir!


Magandang metapora ang kanyang ipinabatid. Una may talinhaga kaming natutuhan at may aral na kinakitaan.

Ngunit kasabay din nun ang pagusbong ng paksa na kung puso nga ba ang nagmamahal?

Ang puso ay isa lamang sa mga kinasangkapan ng ating utak upang magmahal. Ibig sabihin utak at hindi puso ang nagmamahal.

Subhektibong pananaw ang pagkilala sa puso na ito ang nagmamahal. Una, dahil ang wala pang nakapagpapatunay na ito ang umiibig. Pangalawa ang puso ay hindi nakapagiisip ng kanyang mamahalin. At panghuli ang gawain lamang ng puso ay ang magbomba ng magbomba ng dugo patungo sa ibat ibang bahagi ng ating katawan.


Nakapagpalabas na ang siyensya ng malinaw na basehan na ang ating utak ang salarin kung bakit tayo umiibig.
Pinagtibay ito ng ebidensyang kahit ilipat ang puso ng isang tao at palitan ng panibagong puso ay patuloy pa rin nitong minamahal ang kanyang iniirog.

Parang "Trichotomy property" (sa geometry), para mapatunay mo na tama ang iyong pinuprove dapat mapatunayan mo muna na mali ang iba mo pang choices.

Since we had already proven that heart cant love by our basis and through scientific analysis, therefore we conclude that Mind is the primary suspect in why were still loving and loving.


Kaya mas nanaisin ko pang sabihing "Taos sa isip ang isang bagay" kasi baka kung taos sa puso eh baka hindi magtanda at baka wala ring patutunguhan.

Thursday, May 7, 2009

Dahong bilang

Pananing inani sa dilig ng panahon
inugat muli ng mga pangnagdaan.

Kalendaryong may tintang itim, marka ng kahapong iginuhit. Ngayoy muling inaalala dahil may tamis pait na nadarama.

Mga dahong kumatawan sa puno na dati ratiy wala pang itim na tinta. Sinimbolo ng mga panahong nilipas at muling naalala sa tintang nag-iwan ng bakas.

Dahong para ring pahinang binasa. Nagtanda. Nagpapaalala na ang nakaraang pahinay nakalipas na tutungo na sa panibagong dahong imumulat. Hindi mapagwawari na ang ilan pang pahinay inuunti unti pa. Punong titintahan pa ng itim hanggang tumubo ang panibagong puno na mamarkahan muli ang mga dahong malalagas. Dahon na susubukin ng panahon at susuong sa pag-ihip ng ngayon.

Mga dahong parang datiy minamarkahan ng tintang itim unti unting inaantay ngayoy papaubos na at muling susubukin ang panibagong punong lalagaslasan na unti unti at muling magmamarka patungo sa panibagong punong lalagaslasan ng itim na marka.

Monday, May 4, 2009

Isang suntok ng "BAYANI?"

Balitang balita na within two(2) rounds, Hatton bilasa. Ang saya saya di ba lalo pang nakikilala si Pacquiao.

Ikinasa ang isang heroes welcome sa kanya. Di ba talagang sikat na sikat na sya. Mula sa pagiging panadero noon patungo sa isang pagiging BAYANI? ngayon.

Hindi naman sa tutol ako sa pagiging sikat ni pacquiao. Mas lalong hinding hindi rin ako bitter sa kanya. Ang sa akin lang ay napakalaking kwestyon ang pagbibigay titulo sa kanya ng pagiging bayani.

Katanungan na "ano na ba ang narating ng bilis at lakas ng kamao nya para sa ating kalayaan". Nakikilala nga ang Pilipinas pero nananatiling api parin ito sa mata ng dayuhan.

"You know?"


Hindi kailanman makakamit ng mabibilis na suntok at maliksing pagkilos ni pakman kung mismong sya ay kabahagi ng arf arf admin sa pagsasamantala sa masang naaapi.

Hindi suntok ang makakapagpalaya sa atin ng isang you know lang nya.

Malinaw na paglalapastangan ito sa BAYANING TITULO at nararapat lamang,
Ibalik ang tunay na esensya ng pagiging bayani.

Saturday, April 25, 2009

Your not a Legend

Natatangi ang role ni Will Smith sa "I am legend" dahil halos nakalaban niya ang mga corpse o mga zombie na talaga namang pauulit ulit nabubuhay. Di man lang tablan ng bala at tanging bomba lang ang kayang tumigras.

Well sa pelikula lang yan,ngunit ipinipilit sa totoong buhay ng "arf arf administration" at sila raw ay nagmimistulang tagapagligtas ng ating ekonomyang nakahulagpos sa mga di mamatay matay na krisis. Isinusulong na naman ang di mamataymatay na charter change. Ang magiging solusyon daw ang paghahayag sa mga dayuhan ay ang pagpayag sa mga ito na bilhin ang mga lupa sa Pilipinas. Sa panahon nga ng krisis tanging sariling pagmamay-ari na lang ang iyong pansalba at iyo pa itong ibebenta sa dayuhan.

Kayang kaya ng Pilipinas na masalba ang naghihingalo nitong ekonomiya ngunit lage kasi tayong nakasandal at pilit nagpapakatuta at talagang napakaamo sa US.

Pilit kasing nagpapaka-Legend ang mga "maLAKAS daw at ang kaKAMPI sa kongreso" sa US.
Wag piliting mag-ala will smith dahil di naman kayo savior.

Thursday, April 23, 2009

"Korteng di pwede ang masa umapela"

Abril 23 taong kasalukuyan, napagdesisyunan ng "Korteng di pede umapela" na palayain ang baboy na nanggahasa kay Nicole.

Naging tama nga ang "PLANADO NG HULA" ni sec. Cerge Remonde dati na antayin DAW natin ang desisyon ng "Korteng di pede umapela" na magdesisyon para sa kaso. Kitang kita na talagang tuta ang rehimeng arf arf sa malacanan. Ni hindi man lang iginalang ang pagkababae ni nicole at hinayaan pang gumala ang baboy na nanggagahasa. Pano kaya kung yung tuta ng imperyalista ang ginahasa, at pagdesisyunan ding gahasain siya ng paulit ulit paulit ulit at paulit ulit.

Kelan kaya magkakaron ng tinatawag na HUSTISYA?

Dapat wag ng hayaan pang ang VFA ay malunsad muli sa pilipinas at patuloy na umangkin ng mga katawang Pilipina.

Wag nang hayaan pa ang baboy ay muling manggahasa!

Tuesday, April 21, 2009

Maitim na tubig

Ang aga ng pagpasok ng rainy season ni wala man lang paalam. Naaantala ang pagsasaya at pagbababad sa araw. Yan ang epekto ng global warming sa atin.

May mga precautionary measures ng ginagawa ang DPWH para paghandaan ang napipintong pagpasok daw ng mga bagyo sa hunyo. Andyan na yung mga pinataasan at sinementongkalye.
Mga minadaling proyekto na kesyo pabara bara kaya mabilis bumaha.Mga batong hinukay, at ipinantabon muli MISMO sa daanan ng tubig nakung saan ito ang magiging daluyan(eh pano dadaloy ang tubig ulan niyan ng maayos?). Hindi kaila satin na hindi naman lahat ng manggagawa nila ay intelektwalisado ngunit nararapat lamang na umandergo sila sa ilang training bokasyonal at wag basta basta bara bara sa paggawa dahil hindi naman kailangan ng mabilisan proyekto para lamang masabing may napapagawa. Ang sa atin lang ay masolusyunan ang pagbaha.

At tanggalin ang mga tunay na BARA! At isaayos ang NABUBULOK NA SISTEMA

Monday, April 20, 2009

Aklas hanggang Sakal

Ganda ng salita noh! Aklas tapos nakabuo ka ng sakal. Parang sa isang grupo may nabubuo ding samahan mismo.
Katulad na lamang sa senadong dinatnan ko kaninang hapon. Nakakatuwa ang pagdadrama ng villar, dahil kulang nalang na banggitin nya ang pangalan ni lacson at puntohin na hindi bagay si lacson sa ethics committee. Nakakainis at mula sila sa tinatawag na OPOSISYON. Iba ang napakahulugan nila sa esensya ng salitang oposisyon. Yun ay ang pag-oOPPOSE sa tao (at hindi sa mapagsamantala) dahil may personal itong interes.

Litong lito na ang taumbayan kung ano ba talaga ang tinatakbo ng kalakaran nila. Nth level ang discussion, namamatay tapos binubuhay ulit. Hays, parang DOTA lang, may resu. Kaso ang utak ng mamamayan ay parang ilaw na pundi sara, di na tuwirang naliliwanagan!

Kaya hindi nakakapagtaka na ang kasaysayan ay hindi natutuldukan kasi hindi naman tinatapos at kung tapos na pilit paring uungkatin. Hays. Parang baul naman ng kabulukan ang pagaaklas na ito. Nakakasakal na talaga! Hay!

Saturday, April 18, 2009

TFC people..

Sila ang pilit inaaabot ng ABS-CBN Global net. Sinaluduhan dahil sa mga ginagawa sa ating bansa. Sa pagdala ng remittances na nagaangat ng ating NAGHIHIKAHOS AT NAGAAGAW HININGANG EKONOMIYA!
Dahil dyan naturingan silang MAKABAGONG BAYANI dahil nga sila ang nagsasalba sa ating ekonomya.


Ating pagtantuhin, hindi bat pinili nila mangibang bansa dahil hindi nila kaya ang kahirapan sa ating bansa ngunit naturingan pa silang makabagong bayani DAW sa ating henerasyon. Hindi naman ako naiinis na tinuturing silang bayani, ang SAKIN lang.. Pinalalaganap kasi nila ang konsepto na kapag umalis ka dito sa bansa at naging OFW ka na ay bayani ka na. Eh di ang dali lang pala maging bayani kung ganun. Kaso ang pangit pang banda dito bayani silang hindi napakinabangan ng kanilang sariling sinilangan sa kanilang mga angking kakayahan. Mas piniling pagsilbihan ang dayuhan kaysa pagsilbihan ang kanyang kababayan.

Siguro kahit ako din eh, kaso parang mas ngayon tayo kinakailangan ng bayan, eh nasan ang mga BAYANI DAW?

REGIONALISM pawala na sa Pinoy

Wooo! Sa wakas isa sa mga negatibong aspekto ng Pilipino ay pawala na, ang rehiyonalismo.
Rehiyonalismo ay ang pagkakaroon ng bias ng isang tao dahil sa kababayan niya ito.

Ano ang nagpatunay na wala ng rehiyonalismo?Tanging sagot ko diyan ay ang pinaggagawa ng ating mga KAPULISAN. Kasi ultimo mga kababayan niya ay hinahagupit niya ng kanyang batuta. Di ba, nagpapakita na hindi na sya regionalistic dahil siya ay TUTA na rin.Tutang bumibigwas ng mukha, nagmamarka ng ube sa panga, at taga dala ng karahasan sa bayan.

Kitang kita na sunud sunuran ang ating kapulisan sa mga inuutos ng kanyang rehimen.Pilit nagpapakaTUTA dahil sa garantiya ng pera. Ultimo kababayan nya ay kanyang pinagmalupitan dahil sa utos ng AMO NYANG TUTA RIN NA HINDI NA LUMAKI AT TUMUNGO SA PAGKAASO DAHIL NAPAKAAMO PARIN NYA SA KANYANG AMO.

Kung gayon mali pala ang aking pagaanalisa.Dahil mas nadagdagan pa ang NEGATIBONG ASAL NG MGA PINOY SA MGA PILIPINO SA ATING BANSA.

PNP serve and protect OUR LORD TUTA AND THE IMPERIALIST.!

Friday, April 17, 2009

Caution: men at work!

Uhm ingat, falling debris!

Yan ang karamihan ng mga karatula sa mga ginagawang imprastraktura at makabagong establisimento.Mga sumisimbolo DAW ng unti unting pag-unlad ng ating bansa.

Hindi lingid sa ating isipan na unti unti ng isinasapribado ang mga pampublikong pagmamay-ari. Pribatisasyong unti unting kumakamkam at naglilimita sa kalayaan.Pangyayaring nagkonbert ng lupang sakahan sa isang golf course, palaisdaang ginagawang daan,at ilang ektaryang lupa ng maralitang gagawing bangko. Hindi bat iilan lamang ang nakikinabang dito,yung mga mayayaman lamang at mga dayuhan.Nasan ang tinatawag na pag-unlad? Ang pag-unlad ay hindi nababase sa mga nagtatayugang gusali, naggagandahang daan kundi sa mga sangkatauhang nakatatamasa ng pantay na karapatan at nakakakain tatlong beses isang araw. Yun ang mag-aangat sa ating bansa kung mismong mga masa at tataMASA!

Pagpupugay para sa pagbabago,
isulong ang kaunlaran sa bayang sinilangan!

Thursday, April 16, 2009

Opposition's definition!

"Hindi porket lumipat ka at kinalaban mo si PGMA ay oposisyon ka na" mga katagang binitawan ni sen.Jamby madrigal.
Kanyang pinagbigyan linaw na hindi sa lahat ng tumutuligsa kay PGMA ay oposisyong tunay.

Napaka EK-SAKTO hindi diet at zero ang kanyang sinabi. May ibang oposisyon kasi na talaga namang ginagamit lamang ang pagtuligsa para sa kanyang personal na interes. Pagsusulong na sana siya ang ipalit dahil concern-concernan siya. Hays lumang pulitika na yan mga tsong! Pero dont wori madami pa kayo maloloko kasi marami pa namang tanga tanga at di alam kung san magtitiwala.

Kung talagang tunay kayong oposisyon. Pwes bigyang esensya ang salita you should oppose not the one who are in d position but those people who abuse the power and degrade the rights of the masses!


Mula sa tunay na oposisyon, ePPie

Tuesday, April 14, 2009

Ayoko ng singko!

Sino ba namang magnanais na magkaron ng singko na grado?Xempre ang pangit naman tingnan nyan kc nkakahiya at panigurado na sermon abot mo.Kakaiba nga naman talaga ng singko oh.
Nariyan din ang napabalitang paglilima ng taon sa college na magiging SUSI DAW sa bulok na sistema ng edukasyon. Hindi rin pahuhuli ang Pamantasang Normal ng Pilipinas sa pagsisingko. Binabalak na naman ng administrasyon ni
Pang(g)ulong Barbo na buhayin muli ang pinatay na for the second time around na 5 year LADDERIZED TOFI. Nagmistulang necromancer sa kawalang silbi nito bilang pangulo ng pamantasan at di makapagassert ng tamang budget.
Sa huli magiging kawawa na naman ang IILAN NA LAMANG NA NAGNANAIS PANG MAGGURO. Ang masaklap pa nito ay pipigilan mo pang makamit ang kaniyang inaadhika.

Simpleng lohikang napagtanto.. Na sa SINGKO nagpapakita lamang ng kabulukan ng sistemang umiiral sa lipunan. Mula sa pambansa hanggang sa sarili. Hindi nalang tayo humangad ng Uno na hindi lang grado kundi ang PAGKAKAISA para labanan ito.


-xtian

Sunday, April 12, 2009

Huwad na LUWAD

Kung may isang salitang mkkpaglarawan sa buhay magsasaka swak na swak ang "KALABAW" . Dahil ang kalabaw todo kung kumayod at konti lamang ang napapakinabangan. Tanging damo lamang na syang knakaen n2 ngunit kung ikukumpara sa magsska mas kontento naman ang kalabaw dahl d naman kumakalam ang sikmura nito.Kung kayat nararapat lamang na bigyan ng tama at nararapat na benepisyo ang mga magsasaka.
Nagharap sa kongreso ang dalawang makalupang bill, ang GARB at CARPer.Isang proposal na magbibigay ng lupa sa magsasaka at ang isay pansamantalang benepisyo na hindi man lang napaknbngan ng magsasaka sa matagal n panahon. NasCRAP na ang CARPer at hindi pa nagaGRAB ang GARB dahl mismong tumututol ang mga LAND(SATAN)este LORD,mga pulitikong May lupa, at mismo ang cmbhan(CBCP) dahil makaCARPer ang mga ito. Mas pinili nila na lang pitasin ang kakaunting dahon na napaghrapan ng magsasaka kaysa hugutin ang ugat na syng bunga ng matagal na pagti2yga at ang nala2bing pagasa ng magsasaka! Sariling adhika ang reporma at hnd makamasa!.
Kung tunay na reporma ang habol nila. . Lubusan nilang ibibigay ang LUPANG sinaka sa pangmatagal ng panahon. Sa halip ang tugon sa mga NAGOYONG MAGSASAKA NA IKINALAKAL NG PROMOTOR NG CARPER, ay "SAPAT na RAW" ang benepisyong maliwanag na inilahad sa CARPer! Ang katanungan naman diyan.. Kung may benepisyo ka na san naman mapupunta ang mga ito? Unang una na ang sa Usura o Pautang, tapos yung mga fertilizer pang bibilhin, tapos ung renta pa sa pangbungkal atbp. . Sadyang malulugmok din ang magsasaka matapos makuha ang kakaunting benepisyo. Eh kung lubusan na sa kanilang mapupunta ang lupa at may higit pang ugnayan ang magsasaka sa may ari ng lupa eh d mas lubos pang mkikinabang ang magsasaka.
Nasiyang ipapatupad sa GARB at talagang tunay na reporma at sadyang pang magsasaka!

Kung hindi sila sakim at ganid sa salapi..Lupa ay nararapat lamang na ipamahagi!

Huwag na lang basta basta sa mapanlinlang na luwad umasa at talaga namang pampersonal na interes ang adhika at ipinaglalaban!

maging makamasa!
maging KASAMA!
kung kayat sumuporta sa TUNAY na MAKAMASA!!

Friday, April 10, 2009

LOVE MODE SA SEMANA SANTA!

Ang semana santang naranasan ko ngaun!
Hindi naman sa maituturing ko itong kahindik hindik dahil hindi talaga lubusang nakapagnilay2!

Nakakalungkot nga lng ay mas napagtuunan ko ang pagbibigay pansin sa mga false analogy ng pag-ibig!
Isang kahusayang mai22ring cguro ang paganalisa nito sa semana santa dahil hindi na nagi2ng sagrado ang mga nalikha ng Diyos mapasimple man ito o hindi. Nariyan ang paghahalintulad ng pagibig sa tubig.. Kesyo natanong "kung bakit k nagmahal ng taong di k naman mahal, marami pa naman dyang iba na mahal ka" na cnagot naman na "bkit porket b nauuhaw k iinom ka rin ba ng tubig dagat dahil tubig ito?" naging tama ang konsepto at pagtu2lad ngunit hindi natin maikakaila na iba ang pagibig at iba ang tubig. Nandyan din ang pagka2gm8 ng cake na knumpara sa nanliiigaw na di daw kailangan lasahan ang buong cake para malaman kung masarap ito.
Mga kapatid sana maunawaan na GOD IS LOVE naway lubusang mapagnilay nilayan ang ating panginoon ng hindi tau bzta bzta

"nafuFOOL in LOVE"

TNX!

Thursday, April 9, 2009

LOVE STUDY?

Siguro kung may Subject lang na LOVE naku.. 4 sure.. Kaya nyang pantayan ang PINAGHALO HALONG MATH, ENGLISH PATI SCIENCE!

Sa dami b naman ng paghahalintulad nito.. Parang naging application na ng mga subjects na to ang LOVE! May mga LAW ni newton, may mga does not exist does not exist na feeling (sa Calculus ata un) tsaka may spelling pa na kesyo pag di k daw mahal ng tao ikaw daw ung "E" sa word na love. Nandun pero di pinopron0unce!

Haha! O d b? Kakaiba talaga di kayang maspell out ang grammar-ing ng pagibig!
Masaklap nga lang siguro kapag nagkaron ng subject na LOVE marami dng babagsak. Dami b naman emo eh! Pero nakakahanga kahit siguro bumagsak tayo ng bumagsak eh magre2medial tau ng paulit ulit, sa dami b naman ng gus2ng makahanap ng 2nay na mamahalin eh! Haha!

Tapos swerte pa siguro pag c BOB ONG teacher mo o kea c BEB ANG, ang exam nyo quotes haha!

Balewala ang lahat ng mga yan kung di rin mararamdaman ang tunay na essence ng salitang
L-O-V-E

na kng san. Walang grades na nggng bsehan except trust

Spell "POSING"?

Ang gara magBLOG haha! Nakakatuwa lalo nat nakakarehistro k dito ng libreng "FREE".
Sarap magpaskil na parang shooting star, kalat kalat!
Syempre parang nakakapagadvertise k n rn kaya masaya!
Parang mga POLITIKOng walang tigil na ngaun kung magpasikat! Mer0n ng nakatraysikad, mer0n feeling savior, meron dng pink pink line, and mer0n pang POLITICAL-RELIGIOUS MOVEMENT pa(EHEM ARTICLE 2.Sec 6 "separation of church and State shall be inviolable" sir!Yan b ang nagaaspire na pangulo.. D alam ang batas) at meron pang pasikat sa attendance hnd lang ng senado pati na rin Pabasa! Pulitika nga naman sa Pinas oh! Mas pinamu2kha ninyong PINOY ang mga PILIPINO OH! Tsk3!


Muli na namang ginagamit si Juan Dela Cruz para sa personal na motibo. .Muli k p bang magpapagoyo at basta nalang niloloko!

Sige ka.. Malulugmok BANSA MO!

Nararapat lamang na manindigan ka sa iyong boto sa su2nod na taon sa Mayo at wag basta basta magpapagoyo!

Maging mapanuri kung sino ang talagang magsisilbi!

Nakatenggang lihim!

Sa tagal na ng panahon na akoy nagcecellphone.. Ibat ibang quotes na ang aking nabasa at napasa!
May mga ibang quotes na pangasar, panira, patama at kung minsan ay sariling pagdadrama!

Nakakatuwa nga eh cguro sa 75% na napasa kong quotes ay TALAGANG NAKARELATE ako. Umani ng ibat ibang reaksy0n, at minsan pa nga'y pinapapasa pa nla ult! Nakakatuwa nga namang mag-GM oh! Pero ang nakakubling lihim sa mga pagpapasa ng GM ay ang kung minsay malungkot na realization na wala akong makausap dati kung kayat napagtuunan nlang ang pagGGM ngunit unti unti syang nag-iba ng dumami na ang aking mga kakilala. Talagang hnd ko n kailangan pang magGM kung minsan ng sandamakmak at talagang sangkatutak ng panlahatang mensahe para lamang may makausap! Talagang kung minsay pniPM p tlga ako. At laking pasasalamat ko talaga n may inisyatibo sila!

Nakakaloko nga lang banda, ay ang paggGM q p ng bonggangbonga kc iy0n ay nakagawian ko na!

Yan ang lihim sa loob ng halos dalawang taon ng makabagong komunikasyon!

Naway iny0ng naunawa

Tuesday, April 7, 2009

Isang pagsisimula

Ang IDEOLOHIYA OBSKURA ay nilikha primarya mismo para sa ibat ibang isyung kung minsay d napapansin o kaya namay pansin na pansin! Mapa Love, pulitika, social view, cultural view , o ka em0laslas o emobigti pa man yan.. Pasok yn d2!

Isang simulain ngang maituturing ang pagusbong ng IDEOLOHIYA OBSKURA .. Kung minsay may bahid personal o pulitikal patuloy parin itong pupunto!

Sanay mahikayat kaung patuloy pang basahin o kung maari n rn magkomento kau sa aking mga isinulat!

Maraming salamat!

-christian