Natatangi ang role ni Will Smith sa "I am legend" dahil halos nakalaban niya ang mga corpse o mga zombie na talaga namang pauulit ulit nabubuhay. Di man lang tablan ng bala at tanging bomba lang ang kayang tumigras.
Well sa pelikula lang yan,ngunit ipinipilit sa totoong buhay ng "arf arf administration" at sila raw ay nagmimistulang tagapagligtas ng ating ekonomyang nakahulagpos sa mga di mamatay matay na krisis. Isinusulong na naman ang di mamataymatay na charter change. Ang magiging solusyon daw ang paghahayag sa mga dayuhan ay ang pagpayag sa mga ito na bilhin ang mga lupa sa Pilipinas. Sa panahon nga ng krisis tanging sariling pagmamay-ari na lang ang iyong pansalba at iyo pa itong ibebenta sa dayuhan.
Kayang kaya ng Pilipinas na masalba ang naghihingalo nitong ekonomiya ngunit lage kasi tayong nakasandal at pilit nagpapakatuta at talagang napakaamo sa US.
Pilit kasing nagpapaka-Legend ang mga "maLAKAS daw at ang kaKAMPI sa kongreso" sa US.
Wag piliting mag-ala will smith dahil di naman kayo savior.
Saturday, April 25, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment