Sila ang pilit inaaabot ng ABS-CBN Global net. Sinaluduhan dahil sa mga ginagawa sa ating bansa. Sa pagdala ng remittances na nagaangat ng ating NAGHIHIKAHOS AT NAGAAGAW HININGANG EKONOMIYA!
Dahil dyan naturingan silang MAKABAGONG BAYANI dahil nga sila ang nagsasalba sa ating ekonomya.
Ating pagtantuhin, hindi bat pinili nila mangibang bansa dahil hindi nila kaya ang kahirapan sa ating bansa ngunit naturingan pa silang makabagong bayani DAW sa ating henerasyon. Hindi naman ako naiinis na tinuturing silang bayani, ang SAKIN lang.. Pinalalaganap kasi nila ang konsepto na kapag umalis ka dito sa bansa at naging OFW ka na ay bayani ka na. Eh di ang dali lang pala maging bayani kung ganun. Kaso ang pangit pang banda dito bayani silang hindi napakinabangan ng kanilang sariling sinilangan sa kanilang mga angking kakayahan. Mas piniling pagsilbihan ang dayuhan kaysa pagsilbihan ang kanyang kababayan.
Siguro kahit ako din eh, kaso parang mas ngayon tayo kinakailangan ng bayan, eh nasan ang mga BAYANI DAW?
Saturday, April 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment