Friday, April 17, 2009

Caution: men at work!

Uhm ingat, falling debris!

Yan ang karamihan ng mga karatula sa mga ginagawang imprastraktura at makabagong establisimento.Mga sumisimbolo DAW ng unti unting pag-unlad ng ating bansa.

Hindi lingid sa ating isipan na unti unti ng isinasapribado ang mga pampublikong pagmamay-ari. Pribatisasyong unti unting kumakamkam at naglilimita sa kalayaan.Pangyayaring nagkonbert ng lupang sakahan sa isang golf course, palaisdaang ginagawang daan,at ilang ektaryang lupa ng maralitang gagawing bangko. Hindi bat iilan lamang ang nakikinabang dito,yung mga mayayaman lamang at mga dayuhan.Nasan ang tinatawag na pag-unlad? Ang pag-unlad ay hindi nababase sa mga nagtatayugang gusali, naggagandahang daan kundi sa mga sangkatauhang nakatatamasa ng pantay na karapatan at nakakakain tatlong beses isang araw. Yun ang mag-aangat sa ating bansa kung mismong mga masa at tataMASA!

Pagpupugay para sa pagbabago,
isulong ang kaunlaran sa bayang sinilangan!

No comments:

Post a Comment