Tuesday, April 21, 2009

Maitim na tubig

Ang aga ng pagpasok ng rainy season ni wala man lang paalam. Naaantala ang pagsasaya at pagbababad sa araw. Yan ang epekto ng global warming sa atin.

May mga precautionary measures ng ginagawa ang DPWH para paghandaan ang napipintong pagpasok daw ng mga bagyo sa hunyo. Andyan na yung mga pinataasan at sinementongkalye.
Mga minadaling proyekto na kesyo pabara bara kaya mabilis bumaha.Mga batong hinukay, at ipinantabon muli MISMO sa daanan ng tubig nakung saan ito ang magiging daluyan(eh pano dadaloy ang tubig ulan niyan ng maayos?). Hindi kaila satin na hindi naman lahat ng manggagawa nila ay intelektwalisado ngunit nararapat lamang na umandergo sila sa ilang training bokasyonal at wag basta basta bara bara sa paggawa dahil hindi naman kailangan ng mabilisan proyekto para lamang masabing may napapagawa. Ang sa atin lang ay masolusyunan ang pagbaha.

At tanggalin ang mga tunay na BARA! At isaayos ang NABUBULOK NA SISTEMA

No comments:

Post a Comment