Ganda ng salita noh! Aklas tapos nakabuo ka ng sakal. Parang sa isang grupo may nabubuo ding samahan mismo.
Katulad na lamang sa senadong dinatnan ko kaninang hapon. Nakakatuwa ang pagdadrama ng villar, dahil kulang nalang na banggitin nya ang pangalan ni lacson at puntohin na hindi bagay si lacson sa ethics committee. Nakakainis at mula sila sa tinatawag na OPOSISYON. Iba ang napakahulugan nila sa esensya ng salitang oposisyon. Yun ay ang pag-oOPPOSE sa tao (at hindi sa mapagsamantala) dahil may personal itong interes.
Litong lito na ang taumbayan kung ano ba talaga ang tinatakbo ng kalakaran nila. Nth level ang discussion, namamatay tapos binubuhay ulit. Hays, parang DOTA lang, may resu. Kaso ang utak ng mamamayan ay parang ilaw na pundi sara, di na tuwirang naliliwanagan!
Kaya hindi nakakapagtaka na ang kasaysayan ay hindi natutuldukan kasi hindi naman tinatapos at kung tapos na pilit paring uungkatin. Hays. Parang baul naman ng kabulukan ang pagaaklas na ito. Nakakasakal na talaga! Hay!
Monday, April 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment